they are not worthy.

28 03 2008

Far Better forums…

Para sa mga hindi nakaka-alam… Ako ay kabilang sa organisasyon na tawag ay ZEN Otaku Honbu, ang organisasyong ito ay para sa mga anime at entertainment enthusiast. At nung ika-25 ng Marso ay may nanyaring di inaasahan namin… na-hack yung mismong forum server namin na makeforum.org ng mga taong walang magawa sa buhay at mga taong walang “buhay.” Hindi ko sila papangalanan dahil sila’y mga taong walang buhay o mga bum na gusto lang magpasikat… they are not worthy.

Actually nagkatopak na rin yung forums na yun dati eh… Nung ili-lift na yung pag-suspinde sa isang tao sa forums, eh biglang tinopak at maski natangal yung tao sa listahan, ayaw pa ring makapag-login! Sa una, napagdesisyunan nila — hindi ako kasama — na kapag na-ayos na yung website o kapag may nagyari ulit… lilipat kami ng host. Putek… sobra sobra ang panic namin dun, but since sa tingin namin ay Major Problem ito ay naka-apekto na ito sa performance ng forum host — hindi maka-login sa Administrator Panel, nagkakaroon ng occasional na biglang nawawala yung mismong forums at yung mismong homepage ng makeforum.org — kaya napag-desisyunan na lang namin na lumipat na lang ng bagong forum server. Nung namili si AK, yung isa pa naming administrator, ng bagong host… parang Hail Mary Pass lang! Nag-Google tapos pinili niya isa dun… hehehe. Pero hindi namin inaasahan na meron pang mas magandang features yung forum host na yung kaysa sa makeforum.org!

Hindi katulad ng makeforum.org, meron silang Quick Reply function, Calendar function, Customised Header (para sa Admins), etc. At dun ko na realise na wala palang ka-kwenta-kwenta yung forum host na yun… THAT PIECE OF JUNK FORUM! At sa tingin ko ay nakagawa kami ng tamang desisyon para umusog.

Kung gusto ninyong makita yung bago naming forums, bisitahin lang ito:
zenhonbu.freeforums.org.